Kuya inatado ng utol

Sa ulat, alas-9:00 ng gabi ay nagtalo ang magkapatid makaraang maungkat ang matagal na nilang alitan at sa kalagitnaan ng pagtatalo ay kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang nakatatandang kapatid hanggang duguan at patay na humandusay.
STAR/ File

TINAMBAC, Camarines Sur, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 35-anyos na lalaki matapos na pagtatagain ng nakababatang kapatid sa kanilang bahay sa Sitio Quewaye, Brgy. Tierra Nevada,Tinambac ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi. Duguan at patay na nang abutan ng mga rumespondeng opisyal ng barangay ang biktimang kinilalang si Henry Marquez Fria habang dala ang itak ay sumuko naman kay kapitan Juanito Labayo ang suspek na si Michael, 31, pawang mga binata at residente ng nasabing lugar.

Show comments