TUGUEGARAO CITY, Philippines — Makaraan ang tatlong araw nang ikandado niya ang munisipyo dahil sa pagkahawa ng ilang kawani at opisyal; inihayag ni Kiangan, Ifugao Mayor Raldis Bulayungan na siya rin ay tinamaan ng COVID-19 noong Huwebes ng gabi.
Ayon kay Mayor Bulayungan na siya ay nakakaranas ng mild symptoms at isinailalim sa strict home quarantine.
Ang mayor ay isa sa sampung bagong kaso ng COVID-19 na naitala noong Huwebes sa kanyang teritoryo.
Kabilang din sa mga nagpositibo ay isang siyam na buwang sanggol na umano’y nahawa sa ina nitong pulis.
Noong Martes ay isinailalim ni Bulayungan sa lockdown ang kanilang munisipyo nang magpositibo ang isang konsehal, apat na kawani at tatlong pulis.
Si Bulayungan ay ikalawang mayor sa Ifugao na nagpositibo sa COVID-19.