Mayor na nabakunahan, nagpositibo sa COVID-19

Aniya, dati na siyang naka-quarantine, isang linggo bago siya nagpasyang sumailalim sa RT-PCR test noong Abril 16 na kalaunan ay lumabas na positibo sa virus.
AFP/Pascal Guyot

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Ang Mayor ng Tuba, Benguet na naturakan na ng first dose ng Sinovac ay nagpositibo sa COVID-19 noong Lunes ng hapon.

Si Mayor Clarita Sal-Ongan ay isa sa 10 bagong kaso ng COVID-19 sa kanyang teritoryo ng nasabing araw.

Aniya, dati na siyang naka-quarantine, isang linggo bago siya nagpasyang sumailalim sa RT-PCR test noong Abril 16 na kalaunan ay lumabas na positibo sa virus. 

Hiniling niya sa kanyang mga nakada­upang-palad na sumailalim sa self isolation at paki­ramdaman ang ka­nilang sarili sa posibleng sintomas ng sakit. 

Nagkaroon ng pakiki­salamuha ang mayor noong Abril 5 nang mabakunahan siya sa munisipyo ng Sinovac.

Bunsod ng pagpo­sitibo ng alkalde, sarado ka­hapon hanggang nga­yong araw ang munisipyo upang bigyang daan ang disinfection ng gusali at mga pasilidad nito.

Show comments