No. 10 most wanted huli sa Zambales

Sa ulat sa tanggapan ni Police Regional Office 3 chief Brigadier General Valeriano De Leon, nagsanib pu­wersa ang Anti-Kidnapping Group-LFU, Botolan MPS, Zambales at Batangas Police Intel Unit nang kanilang sa­lakayin ang hideout ng suspek sa Pantamnan Resort sa Brgy. Danak sa Botolan, Zambales
STAR/ File

ZAMBALES , Philippines — Ma­tapos ang dalawang taon na pagtatago sa batas ay naaresto ng mga otoridad sa lalawigan ng Zambales ang tinaguriang ika-10 most wanted person ng Batangas kamakalawa.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Regional Office 3 chief Brigadier General Valeriano De Leon, nagsanib pu­wersa ang Anti-Kidnapping Group-LFU, Botolan MPS, Zambales at Batangas Police Intel Unit nang kanilang sa­lakayin ang hideout ng suspek sa Pantamnan Resort sa Brgy. Danak sa Botolan, Zambales

Hindi na nagawang makapalag ng suspek na si Arnold Busilig, 36- anyos ng Calatagan Ba­tangas nang ihain sa kanya ang warrant of arrest sa kasong homicide na inisyu ni Cristino Judit Lucero, presiding judge ng RTC Branch 10, Balayan, Batangas.

Nag-ugat ang kaso ng akusado nang ma­patay umano nito ang isang Roberto Olarve Jr. sa kanilang lugar dahil sa selos saka nagtago sa batas at pa­tuloy sa paggawa ng krimen kaya inilagay siya ng mga otoridad sa ika-10 top most wanted person sa Batangas.

Show comments