2 miyembro ng KFR dedo sa shootout

Sa ulat, alas-11:20 ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang pinagtataguan ng dalawang suspek sa Sitio Alao, Barangay San Juan upang isilibi ang warrant of arrest sa kasong kidnapping.

BOTOLAN, Zambales , Philippines — Dalawang miyembro ng Mokong Kidnap for Ransom ang napatay nang sila umano ay  manlaban sa mga otoridad na magsisilbi ng warrant of arrest,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang isa sa mga nasawing suspek na si Michael Corpuz habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasama nito.

Sa ulat, alas-11:20 ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang pinagtataguan ng dalawang suspek sa Sitio Alao, Barangay San Juan upang isilibi ang warrant of arrest sa kasong kidnapping.

Subalit, papalapit pa lamang ang mga otoridad ay pinutukan na umano sila ng dalawang suspek, kaya’t gumanti ng putok ang mga una na nauwi sa shootout at napatay ang mga huli.

Nabatid na ang dalawang suspek ay sangkot din umano sa carnapping.

Show comments