Bagong panganak tinodas ng dyowa

MANGALDAN, Pangasinan , Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang kanyang  nobya na bagong panganak naganap, kamakalawa.

Anim na tama ng bala ng baril sa katawan ang tinamo ng biktimang si Theresa “Tere” Biagtan, 29.

Sa salaysay ng kapatid nito na si Sarah itinuring na pangunahing suspek si Rommer Gonzales na ama ng bagong silang na sanggol ni Biagtan.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang motibo nang pagpatay sa biktima ay tungkol kung saan mapupunta ang kostudiya ng kanilang anak.

Show comments