Mister nag-amok: 4 kapitbahay pinagtataga

Sinasabing nabitin sa paglaklak ng alak ang suspek na si Manny Locensio, 44-anyos, nang kunin nito ang kanyang bagong hasa na itak saka pinaghahabol ng taga ang ka­inumang mag-aamang sina Jun Cacayan, kambal nitong anak na sina Dante at Nila, 22 at pamangking 17-anyos.
Philstar.com/Irish Lising, file

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sugatan ang apat na magka­kaanak matapos silang pagtata­gain ng kapitbahay nilang senglot na nag-amok sa Brgy. Canabuan, Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi.

Sinasabing nabitin sa paglaklak ng alak ang suspek na si Manny Locensio, 44-anyos, nang kunin nito ang kanyang bagong hasa na itak saka pinaghahabol ng taga ang ka­inumang mag-aamang sina Jun Cacayan, kambal nitong anak na sina Dante at Nila, 22 at pamangking 17-anyos.

Ayon kay Lt. Joseph Nieto, hepe ng Aritao Police Station; naisugod ng mga sumaklolo ang mga biktima sa ospital habang dinakip ng mga nagrespondeng pulis ang suspek.

Sinasabing hindi na matandaan ng suspek at mga biktima ang ugat ng nangyaring pananaga matapos silang sabay-sabay na mahimas­masan.

Show comments