Mister niratrat habang nagkukumpuni ng motor

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang abala sa pagkukumpuni ng kanyang motorsiklo sa harapan ng kanyang bahay sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Rizal Provincial Hospital Annex 1 ang biktima na nakilalang si Arjay Garcia, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Dalig, Antipolo City.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi habang abala ang biktima sa pagkukumpuni ng kanyang motorsiklo nang biglang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo at agad siyang pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa ‘di natukoy na direksyon matapos ang pamamaril sa biktima.

Show comments