CEBU CITY , Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang tinaguriang estafa queen sa ikinasang operasyon ng otoridad sa Mactan Tropics Subdivision Brgy. Basak Lapu-Lapu City, Cebu.
Kinilala ang suspek na si Leonora Cantero alyas Leigh Abad, na nahuli sa kanyang mismong bahay sa nasabing lugar na kung saan nahaharap ito sa kasong large scale illegal recruitment at 7 counts of estafa.
Ayon kay PNP-AKG Director Brig Gen. Jonnel Estomo si Cantero ay tinaguriang notoryus estafa queen dahil sa daming nabiktima sa lalawigan ng Cebu partikular mga negosyante.
Sa imbestigasyon,si Cantero ay nagpakasal sa isang Kenneth Patrick Cantero noong 2012. Pero isang taon ang lumipas muli siyang ikinasal sa isang James Abad, kaya naitago niya na ang kanyang personal information at nagpapakilala na siyang si Leigh Abad para matakasan ang kanyang mga kaso.
Pero dahil sa rami ng reklamo sa kanya at walang tigil na pag-iimbestiga ng pulisya natukoy ang kinaroroonan ng suspek at naaresto.