ILAGAN CITY, Isabela, Philippines — Isang malawakang contact tracing ang isinasagawa ngayon ng mga otoridad sa mga nakasalamuha ng isang SK chairman na nakipaglaklakan sa mga kaibigan na kalaunan ay lumabas siyang positibo sa COVID-19 sa bayang ito.
Ayon sa mga otoridad, nagkaroon ng paglalakbay sa lungsod na ito na isang COVID-19 hotspot ang batang opisyal upang magpakuha ng larawang nakasuot ng toga na pang graduation na gagamitin sa kanilang inililimbag sa Year Book sa paaralan noong mga unang linggo ng Enero.
Nabatid na nagpainom sa mga kaibigan ang chairman pag-uwi sa kanilang nayon bilang blow out sa pagtatapos ng kurso.
Makalipas ang ilang araw ay nakaranas na ng lagnat, pag-ubo at pangangati ng lalamunan ang chairman kaya’t sumailalim ito sa swab test na kalaunan ay nagpositibo sa virus.