9 midwife, 10 choir ng simbahan tinamaan ng COVID-19

Agad na isinailalim ni Baggao Mayor Joan Dunuan sa lockdown ang kanilang RHU at da-lawang barangay kung saan nakatira ang mga miyembro ng choir na tinamaan ng COVID-19.
AFP/Yonhap

Hawaan sa liblib na bayan ng Cagayan

TUGUEGARAO CITY , Philippines — Tumitindi ang hawaan ng virus sa liblib na bayan ng Baggao sa Cagayan nang umakyat sa 47 ang bilang ng kanilang aktibong CO-VID-19 cases matapos na magpositibo sa virus ang 9 na midwife ng Rural Health Unit (RHU) at buong choir ng simbahan na may 10 na miyembro, kahapon.

Agad na isinailalim ni Baggao Mayor Joan Dunuan sa lockdown ang kanilang RHU at da-lawang barangay kung saan nakatira ang mga miyembro ng choir na tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Dunuan, inaasahan niyang masasawata ang pagkalat ng virus nang hindi inilalagay ang Baggao sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sinabi ni Dunuan na nakuha ng mga mang-aawit ang virus sa sunud-sunod na pag­daraos ng Simbang Gabi noong Kapaskuhan kahit pa nakasuot ng face mask sa pagkanta. Carrier aniya ang isa mga choir members na nagbakasyon sa Baggao mula Metro Manila.

Idinagdag ng alkalde na tinamaan din ng virus ang 9 na midwife na nagsisilbing frontliners sa kanilang Birthing Center dahil sa pag-aasikaso sa kanilang mga pasyente.

Ang 19 na naidagdag na kaso sa Baggao ay bahagi ng kabuuang 44 sa buong Cagayan na nagpositibo sa CO-VID-19 kahapon, na sinasabing pinakamala-king bilang sa loob lang ng isang araw ngayong 2021.

Show comments