Tanod na makikipag-eyeball, niratrat

Kinilala ang nasawi na si Randy Turno, 33-anyos, walang asawa, habang sugatan naman si Mohidin Usman Mamadra, 22, na kapwa mga residente ng Rosary Heights ng lungsod ng Cotabato.
STAR/File

NORTH COTABATO, Philippines — Isang barangay tanod ang nasawi habang sugatan ang kanyang kasama na may katatagpuin lang na isang babae matapos silang paulanan ng bala ng ‘di pa nakilalang mga suspek sa Sitio Omar, Barangay Crossing Simuay, Sultan Kudarat sa Maguindanao.

Kinilala ang nasawi na si Randy Turno, 33-anyos, walang asawa, habang sugatan naman si Mohidin Usman Mamadra, 22, na kapwa mga residente ng Rosary Heights ng lungsod ng Cotabato.

Nangyari ang pamamaril dakong alas-3:30 ng hapon kung saan may kakatagpuin ang mga biktima na isang babae subalit walang alinlangan silang pinagbabaril ng mga salarin gamit ang ‘di natukoy na uri ng baril.

Show comments