Lake Nabao Floating Market sa Cabiao, pinasinayaan

NUEVA ECIJA, Philippines — Pinasinayaan na ang Lake Nabao Floating Market na pinangunahan ni Cabiao town Mayor Ramil Bustamante Rivera sa Brgy. Sta. Rita, Cabiao ng lalawigang ito.

Maging kahalintulad ng floating market sa Bangkok, Thailand na naging patok na tourism destination sa abroad ang pangarap ni Mayor Rivera sa bagong bukas na Lake Nabao Floating Market, kung saan magbibigay ito ng trabaho at pagkakakitaan sa mga mamamayan ng Cabiao.

Dumating sa formal opening ng floating market noong Disyembre 18 sina Nueva Ecija Vice Gov. Doc Anthony Umali at provincial tou­rism officer Atty. Joma San ­Pedro na kinatawan ni Gov. Aurelio Umali, gayundin si Sergio Ortiz-Luis Jr., isang kilalang negos­yante na tubong Cabiao at pangulo ng Employers Confederation of the Philippines.

Nabatid na plano pa ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng floating restaurant, ala-Bohol inspired, na tatahak sa may 2.7 kilometrong haba ng Lake Nabao kaya lilinisin ang nasabing waterways nito upang ito ay mapaganda. 

Show comments