2 pulis, 2 pa tiklo sa pangongotong

Kinilala ang mga suspek na sina Police Staff/Sgts. Ernan Marquez Mullasgo, 43; at Gerald Callo Capuz, 36, kapwa kasapi ng Camalig Municipal Police Station; Jay Marquez Quides, 41; at Melody Paliza Quidez, 42, pawang residente ng Brgy. Pantao, Libon.
STAR/ File

CAMALIG, Albay, Philippines — Na­aresto ng mga pulis ang apat na katao kabilang ang dalawa nilang kabaro sa isang entrapment operation matapos na ireklamo ng isang abogado ng pangongotong naganap kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Maharlika National  Highway at Bypass Road, Brgy. Salugan ng bayang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Police Staff/Sgts. Ernan Marquez Mullasgo, 43; at Gerald Callo Capuz, 36, kapwa kasapi ng Camalig Municipal Police Station; Jay Marquez Quides, 41; at Melody Paliza Quidez, 42, pawang residente ng Brgy. Pantao, Libon.

Sa ulat, nagsumbong sa mga pulis ang biktimang abogado makaraang magpakilala ang mga suspek sa pa­ngunguna ni Melody na mga kasapi sila ng “Concepcion Criminal Gang” at tinatakot na kikidnapin ang kanyang mga magulang kapag hindi nagbigay ng P2 milyon.

Kaya’t inilatag ng pulis­ya, alas-3:40 ng hapon ang entrapment operation at hindi na nakapalag ang mga suspek nang puntahan nila ang nakaparadang sasakyan ng biktima at tanggapin ang isang brown paper bag na may lamang marked at boodle money.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang Kalibre 9mm pistol, mga bala, limang cellphone na ginamit sa pana­nakot at transaksyon at mga identification cards. Ngayong araw nakatakda nang isampa ang kasong robbery extortion laban sa nakakulong na mga suspek.

Show comments