Gov. Remulla ‘kinastigo’ ng IATF

Sa kanyang post sa Facebook, inamin ni Remulla na mismong IATF ang kumastigo sa nagbigay ng warning makaraang iutos nito na payagan ang mga pampublikong transportasyon sa Cavite na umarangkada sa daan kasabay ng pag-iral ng MECQ sa naturang lalawigan kasama pa ang buong Metro Ma­nila, Bulacan, Rizal at Laguna na nagsimula nitong Agosto 4 at magtatapos ng Agosto 18, 2020.

Sa paglabag sa MECQ guidelines

CAVITE, Philippines —  Dahil sa tahasang paglabag sa guidelines sa ilalim ng ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa kanyang nasasakupan, nakatanggap ng mabigat­ na babala si Cavite Go­vernor Jonvic Remulla mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Sa kanyang post sa Facebook, inamin ni Remulla na mismong IATF ang kumastigo sa nagbigay ng warning makaraang iutos nito na payagan ang mga pampublikong transportasyon sa Cavite na umarangkada sa daan kasabay ng pag-iral ng MECQ sa naturang lalawigan kasama pa ang buong Metro Ma­nila, Bulacan, Rizal at Laguna na nagsimula nitong Agosto 4 at magtatapos ng Agosto 18, 2020.

Dahil dito, binawi ni Remulla ang kanyang ka­utusan kaya muling­ ipinagbawal kahapon ang mga pampublikong sasakyan tulad ng mga bus, jeepneys, van at tricycle sa buong lalawigan bilang pagsunod sa IATF.

”Ikinalulungkot ko po sabihin na ang IATF ay mabigat na binalaan ang ating provincial com­man­der ng PNP na mahigpit patuparin ang “no public transportation policy”.  This is a very un­wise decision but i will respect it.

Our manufacturing industry will be severely affected,” ayon kay Remulla.

“Sa aking mga ka­babayan, ako po ay humihingi ng paumanhin. I tried my best to serve your interest, as well as the province and the coun­try. Unfortunately, the people in charge see things differently,” dagdag ng gobernador.

Iginiit ng IATF na may katapat na parusa ang sinumang lalabag sa mga quarantine guidelines.

Dismayado ang mga driver sa Cavite na ta­nging pagpapasada la­mang ang ikinabubuhay sa pagpapahinto ng ka­nilang biyahe.

Show comments