LINGAYEN, Pangasinan, Philippines — Nakatakdang magpatayo ng “dog impounding facility” ang local ana pamahalaan ng bayang ito upang matuldukan ang problema sa mga asong pagalagala.
Ang naturang pasilidad na ipatatayo sa tabi ng Materials Recovery Facility (MRF) ng bayan ay isinusulong ni Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil.
Sa kanyang Facebook post kahapon, sinabi ni Bataoil na layunin nito na mapaigting ang responsableng pag-aalaga ng mga aso, maiwasan ang mga aksidente sanhi ng mga asong-gala, at mabawasan ang pagkakalat ng dumi ng mga hayop at ng maging basura.
Sinabi ni Bataoil, ang pasilidad ay magiging pansamantalang tahanan ng mga mahuhuling pagala-galang aso at tiniyak nitong maalagaan ang mga ito. Plano rin nito ang pagbuo ng “dog impounding team” na siyang manghuhuli sa mga asong gala.
“We will be animal friendly. Hindi natin huhulihin ang mga ‘yan para lang patayin, huhulihin natin sila at ilalagay doon sa plano nating facility. Bubuo tayo ng impounding team at magkakaroon din ng veterinary na mag-aalaga at later on, ipapaampon natin sa mga may gusto,” pahayag ni Bataoil.