LEGASPI CITY, Albay, Philippines - Halos nadurog ang ulo ng isang 67-anyos na lolo matapos na magulungan ng trailer truck na sumagi sa kanya habang nagbibiseklita sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Zone-1, Brgy. Planza sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur, kamakalawa ng umaga.
Ang nasawi ay kinilalang si Danilo Cueto Espina, ng Zone-7, Brgy.San Gabriel, Pamplona.Habang ang driver ng trak na naaresto ng mga pulis ay kinilalang si Jonald Villanueva Macalalad, 37, residente ng Brgy. Malabanan Norte, Candelaria, Quezon.
Sa ulat, alas-8:10 ng umaga ay nagbibisekleta ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang masagi ng trailer truck (BUA-1690) na minamaneho ni Macalalad dahilan para sumemplang at pagbagsak sa kalsada ay nagulungan ng hulihang bahagi ng gulong ang ulo nito na agaran niyang ikinamatay.