LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasawi ang isang dating tserman ng barangay matapos na mawalan ng kontrol ang minamanehong motorsiklo at tumalon sa palayan sa Sitio Tramo, Brgy. San Isidro sa bayan ng Sangay, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.
Sinubukan pang isugod sa pagamutan pero idineklarang patay ang biktima na nakilalang si Jojo Garchitorena, nasa hustong gulang, residente at dating tserman ng Brgy. Consocep, Tigaon.
Sa ulat,dakong alas-4 ng hapon, mabilis na binabagtas ang highway ng motorsiklo ng biktima nang pagdating nito sa palikong bahagi ay nawalan ng kontrol sa manibela kaya tumalon ang motorsiklo sa ibabang bahagi ng palayan at pasubsob na bumagsak sa lupa ang biktima sanhi upang magtamo ng matinding pinsala sa katawan na kanyang ikinasawi.