Ama kinatay ng pasaway na anak

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Jerry Roma Asero Sr., 46-anyos, garbage collector at residente ng Barangay 48-A, Bagong Pook, San Antonio, Ca­vite City.
STAR/ File

CAVITE, Philippines  — Patay ang isang ama nang pagsasaksakin ng sari­ling anak na pasaway matapos niyang sermunan habang nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Brgy. 48-A Bagong Pook Cavite City.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Jerry Roma Asero Sr., 46-anyos, garbage collector at residente ng Barangay 48-A, Bagong Pook, San Antonio, Ca­vite City.

Naaresto at nahaha­rap sa kasong parri­cide ang suspek na si Jerry Quirimit Asero Jr., 24-anyos, residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi habang kapwa lango na sa alak ang mag-ama nang sila ay magkasagutan. Paulit-ulit na sinermunan ng nakatatandang Asero ang pasaway na anak. Hindi umano matanggap ng suspek ang paulit-ulit na panenermon ng ama kung kaya naburyong at dinampot ang patalim sa kanilang harapan hanggang sa walang habas nitong pinagsasaksak­ ang ama.

Naitakbo pa sa Bautista Hospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival sanhi ng mga saksak sa kata­wan habang agad na na­aresto­ ang kanyang anak.

Show comments