Mekaniko tumba sa drug ops

Kinilala ang nasawi na si Aljer Cañedo, residente ng nasabing lugar. Ayon kay Kidapawan City chief of police, Lt. Col. Ramel Hojilla, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PNP Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU-12) malapit sa tahanan ng suspek ngunit natunugan nito na mga pulis ang kanyang katransaksyon kaya nanlaban, pasado alas-4:00 ng hapon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang mekaniko matapos na pinaniniwalaang nanlaban sa inilunsad na anti-drug ope­ration ng pulisya sa Purok Avocado, Brgy. Singao, Kidapawan City, Lunes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Aljer Cañedo, residente ng nasabing lugar. Ayon kay Kidapawan City chief of police, Lt. Col. Ramel Hojilla, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PNP Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU-12) malapit sa tahanan ng suspek ngunit natunugan nito na mga pulis ang kanyang katransaksyon kaya nanlaban, pasado alas-4:00 ng hapon.

Napilitan ang mga otoridad na barilin si Cañedo sanhi ng kanyang pagkasawi at narekober dito ang kanyang baril, shabu at drug paraphernalia. Giit naman ng pamilya ni Cañedo na hindi nanlaban ang huli dahil wala naman siyang baril.

Show comments