2 POGO workers nakatakas sa mga kidnaper

CAVITE, Philippines — Nakatakbo at humingi ng tulong sa ilang mga residente at mga opis­yal ng barangay ang dalawang Chinese national na diumano’y biktima ng kidnapping kamakalawa sa Brgy. Balsahan, Kawit, lalawigang ito.Sa Sea Oil Gasoline Station, nakatakbo at humingi ng tulong ang dalawang biktima na nakilalang sina Yang Kun, 23-anyos at Yang Jian Xin, 22; kapwa residente ng Victoria De Makati, Makati City.

Sa salaysay ng mga bik­tima sa pulisya, kinidnap umano sila ng mga kalalakihan nitong Marso 11 sa may Las Piñas City dakong ala-1:00 ng hapon. Isinakay umano sila sa isang van at dinala sa hindi mabatid na lugar habang kapwa iginapos.  

Ilang araw umano silang ikinulong at sa kanilang hinala ay nakikipagnegosasyon ang mga suspek sa paghingi ng ransom sa kanilang pamilya.

Nang makakuha umano ng tiyempo ang dalawang biktima, nag-isip silang tumakas hanggang sa nagtatatakbo at nakarating sa gasolinahan. Dito na sila humingi ng tulong sa mga residente at barangay.

Show comments