Online child sex trafficker sinentensiyahan

Ipinataw kay Joey Michael Donozo ang hatol pagkaraang mag-plead guilty siya sa les­ser charge na attempted trafficking sa dalawang batang lalake na may edad na siyam at 14 na taong gulang at acts of lasciviousness.
Pixabay/File

MANILA, Philippines — Isang 34-anyos na online child sex trafficker ang sinentensiyahang makulong ng 31 taon dahil sa pagsasamantala sa mga bata sa Cebu City.

Ipinataw kay Joey Michael Donozo ang hatol pagkaraang mag-plead guilty siya sa les­ser charge na attempted trafficking sa dalawang batang lalake na may edad na siyam at 14 na taong gulang at acts of lasciviousness.

Ibinaba ni Cebu City Regional Trial Court Judge Dax Gonzaga Xenox kay Donozo ang hatol na 15 taong pag­kabilanggo para sa kasong attempted traffic­king at kabuuang 16 na taong pagkakulong para sa 16 counts ng krimeng act of lasciviousness.

Inatasan din ni Gonzaga si Donozo na magbayad ng tig-P600,000 sa bawat isa sa anim na biktima o kabuuang P3.6 milyong danyos-pinsala.

Inaresto ng mga awtoridad si Donozo noong Pebrero 16, 2019 dahil sa ginagawa niyang sex trafficking na ang mga biktima ay mga batang Pilipino na ibinebenta niya sa mga dayuhan para makipag-sex.

Show comments