14-anyos patay sa ‘Tala’

Sa pahayag ng nakatatandang ka­pa­tid ng biktima na si Jessel sa Binma­ley Police, masayang nagprapraktis ng sayaw na “Tala” ang kanyang kapatid nang mangyari ang insidente. Bigla na lamang umanong nadulas ang kapatid na sa kamalasan ay nabagok ang ulo sa semento.
STAR/File

MANILA, Philippines – Dahil sa pamosong sayaw na “Tala”, isang 14-anyos na binatilyo ang nasawi makaraang aksidenteng mabagok ang ulo nito nang mawalan ng balanse sa pag-ikot habang umiindak sa harapan ng kanilang tahanan sa Binmaley, Panga­sinan kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Junrie Ramos na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.

Sa pahayag ng nakatatandang ka­pa­tid ng biktima na si Jessel sa Binma­ley Police, masayang nagprapraktis ng sayaw na “Tala” ang kanyang kapatid nang mangyari ang insidente. Bigla na lamang umanong nadulas ang kapatid na sa kamalasan ay nabagok ang ulo sa semento.

Sinabi ni Jessel na biglang huminto ang tugtog sa speaker at paglingon niya nakita niyang nakahandusay at nakadapa ang kapatid. Agad nilang binuhat ang biktima kung saan ay nakapagsalita at nasabi pa na nahihilo siya saka biglang pumikit na ang mga mata nito. Nagawa pa siyang maisugod sa pagamutan pero binawian na ng buhay sanhi ng internal hemorrhage.

Ang Tala ay inawit ni Sarah Gero­nimo na sumikat at tinangkilik sa buong mundo lalo na ng mga kabataan.

 

Show comments