Police director, 6 pa sinibak

Ang panibagong balasahan sa mga opisyal ng PNP ay base sa inilabas na memorandum order ng tanggapan ni PNP Chief Police General Archie Gamboa.
KJ Rosales/File

MANILA, Philippines – Tinanggal na kahapon sa puwesto si Central Visayas (Police Regional Office 7) Director Valeriano de Leon habang anim opisyal pa ang nahagip sa panibagong revamp sa Philippine National Police (PNP).

Ang panibagong balasahan sa mga opisyal ng PNP ay base sa inilabas na memorandum order ng tanggapan ni PNP Chief Police General Archie Gamboa.

“The revamp was based on over-all performance, campaign against illegal drugs, illegal gambling and corruption, implementation of internal cleansing against rouge cops, compliance to specific orders on discipline of personnel such as playing golf during office hours etc”, ayon kay Gamboa.

Si De Leon ay pinalitan sa puwesto ni Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, dating Deputy Director for Ope­rations  o number 3 man ng National Capital Region Police Office (NCRPO) bilang bagong Director ng PRO7 na nakabase sa Cebu. Ang dalawa ay mag-mistah sa Philippine Military Academy (PMA) Class 1989.

Samantala maliban kay De Leon, sinibak din sa puwesto si Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Emma Libunao at Col. Gil Tria na tinanggal din sa puwesto bilang Deputy Director for Operations sa PNP-Highway Patrol Group.

Sinibak din ang ilang hepe ng pulisya sa mga bayan ng Bulacan kabilang sina San Jose Del Monte, Bulacan chief of police Lt. Col. Orlando Castil Jr., Police Lt. Col. Carl Omar Fiel, hepe ng Sta. Maria Municipal Police Station (MPS); Police Lt. Col. Joel Aparejado, hepe ng Guiguinto MPS; Police Major Restituto Granil, hepe ng Balagtas MPS.

Ang apat na opisyal ay pansamantalang inilipat sa Personnel Holding and Accounting Unit-Regional Personnel Records Management Division (PHAU-RPRMD) ng PNP.

Samantalang si Police Lt. Col. Sheila Prosperoso Ballesteros mula sa Police Regional Office (PRO) 11 ay itinalaga naman sa PNP-Directorate for Information and Communication Technology Management (DICTM).Omar Padilla

 

Show comments