8-anyos tinuklaw ng ahas, patay!

Ayon sa report, nakasakay sa kalabaw ang bata mula sa kanilang sakahan pero nang makarating sa bulubunduking bahagi ng lugar ay bumaba siya sa kalabaw. Hindi nito namalayan na may ahas sa binabaan nito hanggang sa bigla na lamang siyang tuklawin.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 8-taong gulang na batang lalaki matapos na tuklawin ng ahas sa Sitio Boay-Boay, Barangay Basak, Magpet, Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Renante Via Jr. na residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report, nakasakay sa kalabaw ang bata mula sa kanilang sakahan pero nang makarating sa bulubunduking bahagi ng lugar ay bumaba siya sa kalabaw. Hindi nito namalayan na may ahas sa binabaan nito hanggang sa bigla na lamang siyang tuklawin.

Ang ahas ay nasa 8-talampakan ang laki.

Nabatid na sa balikat kinagat ang bata at ilang minuto lang ang nakalipas ay binawian na siya ng buhay nang malason dulot ng ma­tinding kamandag ang buong katawan nito.

Show comments