Vice mayor ng Ifugao, missing

Ayon sa Tinoc Police, apat na araw nang nawawala si Tinoc Vice Mayor Fernando Gapuz, 56, residente sa nasabing bayan. Siya ay nakasuot ng brown leather jacket, green polo shirt, brown slip-on sandal, dark yellow shawl at brown pants nang umalis sa kanilang bahay.

SANTIAGO CITY, Ifugao, Philippines — Pinaghahanap ngayon ang vice mayor sa isang bayan ng Ifugao matapos na mabigong makabalik sa kanyang tahanan na nagpaalam para maki­pagkita sa isang konsehal ng bayan.

Ayon sa Tinoc Police, apat na araw nang nawawala si Tinoc Vice Mayor Fernando Gapuz, 56, residente sa nasabing bayan. Siya ay nakasuot ng brown leather jacket, green polo shirt, brown slip-on sandal, dark yellow shawl at brown pants nang umalis sa kanilang bahay.

Hu­ling nagpaalam si Gapuz sa kanyang anak na si Engr. Franklin Hidalgo Gapuz na pupuntahan sana si Municipal Councilor Marcos Canute Jr., sa Gaddingan, Impugong sa nasabing bayan nitong Biyernes, Hulyo 19. Su­balit dahil sa wala umano si Canute sa kanilang tahanan ay sumakay si Gapuz sa isang BHE bus patu­ngong Abatan, Bugias, Benguet kung saan siya huling nakita.

Nananawagan ang Tinoc Police sa sinumang may impormasyon o nakakita sa bise alkalde na agad makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa 0935-110-7168 o sa MDRRMO-Tinoc: 0977-383-1522 at Ifugao PDRRMO: 0915-380-5694. (Artemio A. Dumlao)

Show comments