5 timbog sa pot session

MANILA, Philippines – Arestado ang limang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga matapos maaktuhang nagpa-pot session kasabay ng pagre-repack ng shabu na kanilang ibi­ni­benta sa kanilang mga parukyano sa isinagawang drug bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Nicolas, Bacoor, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Ang mga natimbog na suspek ay sina Carmelo Magdayo, 59; Ricardo Matola, 43; Rodrido Andote, 25; Edward Lopez, 46; at Joel Antipolo, 47-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 nang ikasa ng mga pulis ang operasyon laban sa mga suspek kasunod ng sumbong ng mga residente sa lugar kaugnay ng talamak na pagbebenta ng mga suspek ng droga.

Kasama ang ilang mi-yembro ng PDEA Cavite ini­latag ang buy-bust at dito nabulaga nila ang mga suspek na naaktuhang nagpa-pot session habang nagre-repack ng shabu sa bahay ng isa sa limang suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang nasa 5.3 grams ng shabu na aabot sa hala-gang P50,000, drug paraphernalias at drug money.

Nabatid na si Magdayo ay kilalang pusher ng droga at nasa drug watchlist ng mga pulis.

 

Show comments