CAMP OLIVAS, Pampanga , Philippines — Apat na tinaguriang most wanted persons sa Central Luzon dahil sa iba’t ibang kasong kriminal na kinasasangkutan ang natimbog matapos na ikasa ang manhunt operation ng pulisya kamakalawa sa lalawigan.
Sa ulat sa tanggapan ni Police Regional Director P/Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang mga nadakip na sina Christian Carpio, No. 6 most wanted sa Balanga City Police Station sa kasong rape na walang piyansang inirekomenda; Sherman Alberto, No. 4 Most wanted sa Mariveles sa kasong qualified theft, Mervin Remoca,Alias”Tembong”ng Brgy Sto. Niño 1st, San Jose City, Nueva Ecija, No.3 most wanted sa kasong attempted rape, at Jeremiah Canda ng Mexico, Pampanga sa kasong paglabag sa R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).