No. 1 most wanted nalambat

Kinilala ni P.Cpt Reden Baldovino, deputy chief ng PIB ang naarestong suspek na si Jackerie Perete, 39, binata, security guard ng Brgy. Malibo, Pandi, Bulacan.
File Photo

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Matapos ang halos apat na taong pagtatago sa batas, naaresto na ng Provincial Intelligence Bureau (PIB) ng Bulacan Provincial Police Command ang itinuturing na No.1 Most Wanted Person sa lalawigan kamakalawa ng umaga sa Brgy. Wakas ng nasabing bayan.

Kinilala ni P.Cpt Reden Baldovino, deputy chief ng PIB ang naarestong suspek na si Jackerie Perete, 39, binata, security guard ng Brgy. Malibo, Pandi, Bulacan.

Inaresto si Perete sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Sita Jose Clemente ng Regional Trial Court Branch 16 sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa.

Si Perete ay namataan ng mga pulis sa Intercity sa Brgy. Wakas habang nag-aabang ng pampasaherong jeepney. 

Nabatid na kinasuhan si Perete ng panggagahasa sa isang menor-de-edad na babae noong Hunyo 16, 2019 at nagtago matapos ang nasabing krimen.

Show comments