Totoy nakuryente sa kasalan, dedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Natusta ang isang 8-anyos na totoy matapos makuryente sa kawad ng sound system sa gitna ng sayawan ng katatapos na kasalan sa Brgy. Cagoran, Lal-lo, Cagayan noong Lunes.

Sa report ng pulisya, naglalaro malapit sa patugtog si John Oliver Bacuyag nang aksidente nitong mahawakan ang talop na bahagi ng kawad ng kuryente ng mga kaga­mitang pag-aari ni Tony Time dakong alas-10:00 nggabi.

Nagkagulo ang mga bisita sa pagkisay ng bata at agad na isinugod sa Matilde Olivas District Hospital sa Camalaniu­gan pero idineklarang patay.

Isinailalim sa imbestigasyon ng pulisya si Time upang matukoy ang responsibilidad nito sa kamatayan ng bata. (Joy Cantos)
 

Show comments