Mga bakwit sa Maguindanao, nagkakasakit na

MAGUINDANAO, Philippines — Unti-unti nang nagkakasakit ang mga bakwit sa Maguindanao na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers matapos na lumikas dahil sa gina­gawang military operations laban sa mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF sa ilang mga bayan sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni Maguindanao Integrated Provincial Health Office IPHO Chief Dr. Tahir Sulaik na karamihan sa mga nakararanas ng ubo, sipon at hypertension ay mga bata at matatandang evacuees.  

Maalalang nasa 1,800 pamilya ang lumikas mula sa kani-kanilang mga tahanan bunsod ng inilunsad na law enforcement focus military operation ng Joint Task Force Central laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.  

Kaugnay nito, nagsagawa na ng medical mission and food feeding ang Maguindanao People’s Medical team sa mga bakwit sa pangunguna ni Lynette Aguilar bunsod sa mahigpit na utos ni Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu na asikasuhin at bigyang prioridad ang mga bakwit.

Show comments