Oplan greyhound: 4 preso utas, 4 pulis sugatan

Apat na inmates ng Davao City Jail ang patay makaraang manlaban sa mga awtoridad na ikinasugat din ng apat na pulis sa isinagawang Operation Greyhound na nauwi sa kaguluhan sa loob ng piitan nitong Sabado ng madaling araw.
Miguel De Guzman

P.16-M shabu samsam sa Davao City Jail

MANILA, Philippines — Apat na inmates ng Davao City Jail ang patay makaraang manlaban sa mga awtoridad  na ikinasugat din ng apat na pulis sa isinagawang Operation Greyhound na nauwi sa kaguluhan sa loob ng piitan nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga na­patay na bilanggo na sina Alvin Celis, Dexter Delfino, Flor Leonard Restsuro at Jerry Fernandez. Isa sa mga ito ay armado ng sumpak o improvised na armas at tatlo naman ay matutulis na bagay.

Ang nasugatang pa­rak ay nakilalang sina PO3 Mark Anthony Camero na binaril ng sumpak at gumanti ng putok sa namaril na inmate, ang mga nagrespondeng sina PO2 Jonie dela Fuente, PO1 Ramon Rey Yanguren at PO1 Vincent Lomoljo.

Batay sa report ng Davao City Police Office (DCPO), nagsagawa ng sorpresang inspeksyon ang mga awtoridad at pinalabas ang mga preso sa selda upang halughugin ang kanilang mga kagamitan.

Kabilang sa mga nagsagawa ng Oplan Greyhound ay ang pi­nagsanib na ele­men­to ng Bureau of Jail Ma­nagement and Peno­logy (BJMP) Region 11, Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 11, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 11 at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 11.

Bandang alas–3 ng madaling araw habang isa-isang pinalalabas ng mga awtoridad ang mga inmates nang manlaban ang isang preso na nagpaputok ng sumpak o improvised na armas sa mga operatiba habang tatlo pa ang umatake ng saksak sa mga awtoridad gamit ang kutsilyo at iba pang matutulis na bagay.

Nabatid na si Camero ang unang inatake at nagresponde naman ang mga kasamahan nito.

Nakumpiska sa loob ng mga selda ang dalawang malalaking sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P160,000  na itinatago ng mga nanlabang inmates, mga drug paraphernalia at mga patalim.

Samantala, sa isina­gawang random drug test ay 9 sa mga preso ang nagpositibo sa paggamit ng illegal na droga.

Show comments