3 drug peddlers huli sa buy-bust

ANGELES CITY, Philippines — Sa kalaboso ang bagsak ng tatlong sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga makaraang masakote ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa hiwalay na lugar sa lungsod na ito, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Angeles City Police Dir. Supt. Enrico H. Vargas, kinilala ang mga suspek na sina Eduardo Guevarra alyas ‘Bubuy’, 34, binata, residente ng Plaridel 1 Brgy. Malabanias; Danny Acoba, 24, ng Riverside Magkalinis St.; at Don-Don Cunanan, 32, residente naman ng Nepoville Purok 4-B Brgy Anunas.

Nasamsam sa mga suspek ang 11 small plastic heat sealed sachet ng hinihinalang shabu at 3 pirasong P500 marked money. Kasong paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.

Show comments