75-anyos kinatay ng ‘Akyat Bahay’

Ayon sa nakababatang Sagaydoro, nagising siya sa ingay sa loob ng kanilang bahay dahil sa ginagawang panggugulpi ng mga pumasok na suspek sa matanda na pilit pinatuturo ang pinaglag­yan nito ng pinagbentahan ng inaning palay sa kanyang sakahan dakong alas-4:00 ng madaling araw.

Sa harap ng batang apo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Brutal na kinatay ng tatlong  hinihinalang mi­yembro ng “Akyat Bahay Gang” na pawang na­ka­maskara ang isang 75-anyos na lolo sa harap mismo ng kanyang apo matapos silang looban at pagnakawan sa Brgy. Palitod, Paracelis, Mt. Province kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ramon Sagaydoro na ilang ulit na pinagsasaksak hanggang sa mamatay sa harap ng iginapos na apong paslit na si Jaymar Sagaydoro.

Ayon sa nakababatang Sagaydoro, nagising siya sa ingay sa loob ng kanilang bahay dahil sa ginagawang panggugulpi ng mga pumasok na suspek sa matanda na pilit pinatuturo ang pinaglag­yan nito ng pinagbentahan ng inaning palay sa kanyang sakahan dakong alas-4:00 ng madaling araw.

Sa awa at takot ng bata na kapwa sila papatayin, itinuro nito ang kayamanan ng lolo.

Gayunman, kinatay pa rin ng mga suspek ang matanda bago tumakas ang mga suspek at iniwan ang natulalang bata.

Show comments