Mag-utol pisak sa puno

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —    Nalasog ang katawan ng magkapatid na paslit matapos maipit sa loob ng kanilang bahay nang mabagsakan ng natumbang isang malaking punongkahoy dahil sa malakas na buhos ng ulan sa Zone 4, Brgy. Mataoroc sa bayan ng Minalabac, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Sinubukan pang isugod sa Bicol Medical Center sa Naga City pero kapwa idineklarang patay ang magkapatid na sina Shiela Bolor,11 anyos at Justin Bolor, 6 anyos.

Sa ulat, dakong alas-4 ng hapon habang kasagsagan ng malakas ng ulan at hangin, biglang natumba ang isang malaking puno na “bori” at nabagsakan ang bahay ng mga biktima na ikinawasak nito. Nagkataon na nasa loob ng kanilang bahay ang dalawang paslit at nabagsakan.  Dahil sa matinding pinsala sa katawan, hindi na umabot pang buhay ang magkapatid sa ospital.

Show comments