MANILA, Philippines — Matapos ang mahigit 3-buwang pagkakabihag, pinalaya na ng mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang district engineer ng Department of Public Work and Highways (DPWH) na kanilang dinukot sa isang lugar sa kapitolyo ng Patikul, Sulu kahapon ng umaga.
Kinilalala ang pinalayang bihag na si Engr. Enrico Nee, nakatalaga sa 1st Engineering District ng Sulu Engineering Office na nasa ilalim ng DPWH. Siya ay sumasailalim na sa medical examination at stress debriefing.
Kahapon, kinumpirma ni Brig. Gen Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu ang pagpapalaya sa bihag sa kagubatan ng Brgy. Latih, sa Patikul.
Bandang alas-8 ng umaga kahapon nang makarating ang bihag sa himpilan ng JTF Sulu sa Brgy. Busbus ng lalawigan.
May 9 pang nalala-bing hostage ang ASG sa Sulu na kinabibila-ngan ng isang Dutch, tatlong Indonesian, isang Vietnamese at apat na Pinoy.