Trader hulog sa jeep, tigok

PAGBILAO, Quezon , Philippines  — Isang negosyante ang nasawi makaraang bumagok ang ulo nito sa kalye nang mahulog mula sa sinasakyang top down na jeep kamakalawa ng hapon sa national highway na sakop ng Barangay Bantigue, bayang ito.

Nabasag ang bungo ng biktimang si Samie Salatandol, 44, may asawa, ng Paniqui, Tarlac at agad nasawi sa lugar. 

Ayon kay P/CInsp. Rizaldy Merene, chief of police dito, nakatayo ang biktima sa Fuso jitney (AVU-295) na minamaneho ng tauhang si Zaldy Gamundoy habang bumabagtas sa lugar patungo sa direksyon ng Maynila.

Dahil sa bilis ng takbo, nawalan ng panimbang ang biktima hanggang makahulagpos sa pagkakakapit at una ang ulong bumagsak sa sementadong kalye. 

Nakapiit ang driver ng jeep at kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide dahil sa pagkasawi ng amo.

Show comments