Bangka lumubog, 8 nasagip

ATIMONAN,QUEZON  , Philippines  —  Walong katao ang nasagip matapos na lumubog  ang kanilang sinasakyang motorized banca nang lumubog makaraang mabilis na marespondihan ng mga miyembro ng Bantay Dagat sa Brgy. Caridad, Ibaba kamakalawa ng hapon. Naka-confine sa Dona Marta Hospital ang mga biktimang sina Mark Anthony Firme, 28, boat captain; Rosita Grimaldo, 66; Daisy Valensario, 21; Lalyn Asilo, 27; Frince Louie Firme,18; Jemuel Grimaldo, 26; Ron Jansen Fermi, 23 at Alexander Asilo, 55. Ayon sa ulat,  umalis sa pantalan ng Brgy. Poblacion ang bangka dakong alas-4:30 ng hapon upang magtungo sa Brgy. Villa Ibaba subalit habang nasa karagatan na sakop ng Brgy. Caridad Ibaba ay hinampas ito ng malalaking alon.

Dahil dito, nawasak ang bangka na naging sanhi upang lumubog kasama ang walong sakay nito. Tiyempo namang may mga nagdaraang mangingisda na bantay dagat kung kaya’t mabilis na nailigtas sa pagkalunod ang mga biktima.

Show comments