Rambol ng 2 partido: Kandidato, 3 pa sugatan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Sugatan ang isang lolong kandidato sa pagka-tserman at tatlong iba pa kasunod ng rambol sa laklakan ng kanyang mga tagasunod at grupo ng kanyang nakaupong kalaban na namaril pa sa Barangay Atulu, Iguig, Cagayan kamakalawa ng gabi.?

Kinilala ni Chief Insp. Joerge Jacob, hepe ng Iguig Police Station ang mga isinugod sa Cagayan Valley Medical Center dahil sa tama ng bala na sina Vicente Taguiam Sr., 64, tumatakbong tserman, anak nitong si Vicente Jr. at utol na si Maximo.?

Bugbog-sarado rin na ginagamot sa nasabing hospital si Genesis Banatao na kaanak ni Chairman Renato Banatao. ?

Lumalabas na niyaya ng nakatatandang Taguiam ang grupo ni Banatao sa inuman nang mapadaan sila sa kanyang teritoryo. Nauwi sa suntukan ng kanilang mga alipores ang laklakan nang magkaroon ng pagtatalo dahil sa sobrang kalasingan kaya’t inilabas ng tserman ang baril na kanyang pinang­ratrat sa mga biktima.?

Ayon kay Jacob, ilang basyo ng bala ng cal. 45 ang narekober sa crime scene.? Sumuko naman sa pulisya ang tserman at alalay nitong si Mac-Mac Balo­ran matapos ang insidente ngunit hindi dala ang ginamit na baril.    

Show comments