Drug den ni-raid: Trader, 10 pa huli

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  — Nasakote ng pulisya ang isang 41-anyos na negosyante at 10 nitong parokyano matapos matiklo ang kanyang drug den na nagba-balatkayong beerhouse sa Brgy. Magapit, Lallo, Cagayan kamakalawa ng gabi.?

Sa report na ipinalabas ni Cagayan Police Director Sr. Supt Warren Tolito, anim na sachet ng shabu, isang marijuana brick at sari-saring drug paraphernalia ang nasamsam sa nilusob na Odyssey Bar na pag-aari ni Edward Sac.?

Tatlong sachet ng droga na nagamit na ang narekober ng mga awtoridad sa mga kuwarto na pinaniniwalaang sinimot ng 10 parokyano ni Sac na dinala sa presinto ng mga concerned citizen ang kahina-hinalang aktibidad sa beerhouse na ginagamit din umanong tiangge ng shabu at bentahan ng laman sa mga nasasadlak sa prostitusyon dagdag ni Tolito.

Show comments