Binata dedo sa pagliligtas ng 2 pamangkin

Legazpi City, Albay , Philippines  — Nagbuwis ng kanyang sariling buhay ang isang 28-anyos na binata makaraang malunod habang inililigtas ang dalawang batang pamangking nalulunod sa karagatang sakop ng Lebanon Beach Resort sa Brgy. San Juoaquin, Bacon District sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hapon.  Tumagal ng isa’t kalahating oras bago natagpuan ng mga rumespondeng rescue team ang bangkay ng biktima na kinilalang si Raymundo Dechaves Bensulan, residente ng Brgy. San Juan. 

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong ala-1:30 ng hapon nang maligo sa dagat ang biktima at kanyang dalawang batang pamangkin na si Christian Demonteverde at Joshua Alamer. Gayunman, ilang sandali lang ang lumipas ay parehong sumisigaw ng tulong ang dalawang bata habang nalulunod kaya agad sumaklolo ang binata. Sa kasawiang palad nailigtas ng biktima ang dalawang pamangkin at nadala sa baybayin pero sinalpok ito nang malalaking alon at hinatak sa gitna ng dagat hangang mawala. Dakong alas-3:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima.

Show comments