3 gunrunners nasakote sa entrapment

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —   Tatlong sinasabing gunrunners ang nasakote matapos mahulog sa isang entrapment operation sa pagbebenta ng high powered firearms sa Barangay Malvar, Santiago City, Isabela noong Biyernes.  Sinabi ni Chief Insp. Rolando Gatan, hepe ng Police Station One na agad pinosasan ng mga otoridad si Mario Ta-A, 48-anyos ng San Mateo, Isabela matapos iabot ang tatlong M16 a rifles sa isang undercover agent.

Dinakip din sa operasyon si Eddie Bose,50 at 13-anyos na anak nitong binatilyo na sinasabing nagbiyahe sa mga baril mula sa San Juan, Abra.  Isinagawa ang pinaigting na operasyon laban sa loose firearms sa pagsisimula ng aktibidad sa Barangay at SK elections na gaganapin sa Mayo 14 dagdag ni Gatan.

Show comments