Misis ng lider ng Maute natimbog

NORTH COTABATO, Philippines- Arestado ang pinaghihinalaang asawa ni Abdullah Maute sa inilunsad na Oplan Pagtugis ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ARMM sa Purok Nayon, Shariff Kabunsuan, Rosary Heights 3, Cotabato City, nitong hapon ng Martes.

Kinilala ang naarestong suspek na si Najiya Dilangalen Karon Maute, 37-anyos, isang engineer na nahaharap sa kasong rebelyon at kabilang sa pinaaaresto ng Department of National Defense sa bisa ng Arrest Order Number 2.  

Sa ulat ni Chief Supt. Graciano Mijares, Director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police Regional Office (PRO), kinilala ang nasakoteng suspect na si Najiya Dilangalen Karon Maute, 37-anyos, isang engineer na nahaharap sa kasong rebellion at kabilang sa pinaaaresto ng Department of National Defense sa bisa ng Arrest order Number 2.

 Bandang alas-2:30 ng hapon nang masakote ng CIDG-ARMM sa pangunguna ni Supt. Allan James Logan, Regional Criminal Investigation Division Unit ng ARMM Police, Regional Mobile Force Battalion 14 ng PRO-ARMM, Police Station 1 at Cotabato City Police ang misis ni Abdullah Maute sa Nayon Sheriff, Brgy. Rosary Heights 3 ng lungsod.

Siya ay inaresto sa kasong paglabag sa Article 134 o rebelyon kaugnay sa pagkakasangkot sa Marawi City siege na inilunsad ng Maute–Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa pangunguna ni Commander Isnilon Hapilon, ang Emir ng ISIS sa Southeast Asia na napatay din sa bakbakan at ng Maute brothers na kinabibilangan ng mister ni Najiya na si Abdullah.

Nasa kustodya na ngayon ng CIDG-ARMM si Engr. Najiya Maute.

Show comments