2 dedo sa salpukan ng 2 motorbike

CAGAYAN, Philippines — Dalawa-katao ang namatay habang tatlo naman ang nasugatan makaraang magsalpukan ang kani-kanilang motorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa bayan ng Sta Ana, Cagayan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga namatay na sina Mark Cavin Benigno, 25, guro, ng Barangay Marede; at Jaymark Poblete, 16, Grade 12 student at residente ng Barangay Parada Bato sa bayan ng Sta. Ana. Sugatan naman ang mag-ina ni Mark na sina Donalyn Benigno, 25; at Keith Aldrich Benigno, 2; at si Edward Tero, 18, ng Barangay Parada-Batu. Sa ulat ni PO3 Joel Palor, kaangkas sa motorsiklo ni Benigno ang kanyang mag-ina nang makasalpukan ang motorsiklo ni Poblete na angkas naman si Tero, 18. Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima subalit idineklarang patay sina Benigno at Poblete.

Show comments