Dalaga pinugutan, tsinap-chop ng nobyo

Kalunus-lunos  na kamatayan ang sinapit ng 20-anyos na dalaga matapos itong pugutan at tsap- tsapin ng nobyo sa loob ng semen­teryo sa Barangay Linglingay, bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa. ?File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalunus-lunos  na kamatayan ang sinapit ng 20-anyos na dalaga matapos itong pugutan at tsap- tsapin ng nobyo sa loob ng semen­teryo sa Barangay Linglingay, bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa. ?

Sinasabing selos ang ugat ng matinding away nina Mary Ann Colobong at Eric Sampaga na nakitang may hawak na mahabang itak noong tanghali. ?

Ayon kay P/Chief Insp. Darwin Urani, hepe ng Alicia Police Station, dakong alas-4 ng hapon nang madiskubre ng ilang residente ang nilalangaw na pugot na bangkay ni Colobong na sinasabing tsinap-chop sa ibabaw ng nitso.?

Nabatid na sumisilong lamang ang magnobyong pa­laboy sa loob ng compound ng sementeryo.?

Kaagad na isinailalim ng pulisya sa manhunt si Sampaga na mapanganib at armado dahil sa may kulang din ito sa pag-iisip.

Show comments