2 dedo sa road mishap

CAVITE, Philippines - Dalawa-katao ang namatay habang dalawa naman ang nasugatan sa magkahiwalay na sakuna sa lalawigan ng Cavite kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Jamaica Geotina, 11, ng Camella Homes Subd. Sa Barangay Pulang Lupa sa Las Piñas City; at Norwyn Rubin, 33, ng Sunny Crest Village sa Brgy. Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite. Sugatan naman sina June Geotina, 44, ama ni Jamaica; at Mark Salas, 27, ng Barangay Salawag sa nasabing lungsod. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-amang Geotina nang masalpok ng trak  (APA3078) ni Rosito Tejero sa kahabaan ng highway sa Brgy. San Antonio 2, bayan ng Noveleta, Cavite. Samantala, sumemplang naman ang motorsiklo ng magkaangkas na sina Rubin at Salas sa pakurbadang highway sa Jose Abad Santos Avenue sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas City. 

Show comments