Anak nasermunan ng ina, nagbigti

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  - Nagpasalubong na lamang kay kamatayan ang 15-anyos na totoy na sinasabing nasermunan ng kanyang ina matapos itong magbigti kamakalawa ng umaga sa Purok 4, Barangay Basag sa Ligao City, Albay. Tinangka pang isugod sa Josefina Belmonte Duran Memorial Hospital ang biktimang si Restituto Barnuevo Jr. pero dineklarang patay. Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-10:45 ng umaga habang nangangahoy ang ilang kabataan sa lugar nang makita nilang nakabitin sa ilalim ng puno ng malobago ang biktima. Agad nilang pinutol ang lubid sa leeg ng biktima at isinugod sa ospital. Nabatid na bago nag-suicide ang biktima, sinasabing napagalitan ito ng kanyang ina.

Napag-alamang may ugali raw ang biktima na nagtatangkang mag-suicide kapag napapagalitan ng kanyang mga magulang at nakatatandang mga kapatid.

Show comments