Kinalasan ng nobya, nagbigti

BULACAN , Philippines  – Pinaniniwalaang dinamdam ng 24-anyos na lalaki ang pakikipagkalas ng kanyang nobya kaya ito nagdesisyong wakasan ang kanyang buhay matapos itong magbigti sa pinapasukang panederya sa Barangay Poblacion, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon ng umaga. Bandang alas-5 ng umaga nang matagpuan ng mga kasamahan sa trabaho ang katawan ng biktimang si Larry Viloria Jr., stay-in worker sa Tanaga Hot Pandesal sa nabanggit na barangay. Ayon kay SPO1 Jayson Taniza, naging malulungkutin ang biktima dahil sa pakikipagkalas ng kasintahan nito kung saan sumama sa ibang lalaki. Wala namang iniwang suicide note ang biktima bago ito mag-suicide.

 

Show comments