Motor vs van: 2 patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Patay ang dala- wang obrero makaraang makipagsalpukan ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na Starex van sa kahabaan ng highway sa Barangay Callungan, bayan ng Sanchez Mira, Cagayan kamakalawa. ?Kinilala ni SPO2 Boy Turingan ang mga biktima na sina Gil Adrian Irorita, 21; at Rowel Castillo, 25.? Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na sa bayan ng Pudtol sa Apayao ang mga biktimang magkaangkas sa motorsiklo mula sa kanilang kompanya sa bayan ng Claveria, Cagayan nang aga- wan nila ng linya ang van na minamaneho ni Ernesto Duldulao, 28, ng Ilagan City, Isabela. ?Tumilapon at nag- pagulung-gulong sa kalsada ang mga biktima at patay na nang maihatid sa pagamutan.?  

 

Show comments