Pabahay sa Hermosa, nakatiwangwang

BALANGA CITY, Bataan, Philippines - Ilang pabahay ng National Housing Autho­rity (NHA), nakatiwangwang lang ang libung yunit na nakatayo sa Barangay Mabuco, bayan ng Hermosa, Bataan.

Ayon kay Lito Alipio ng Hermosa, mayroon lang ilang pamilya ang nakatira subalit yung mga residente na naapektuhan ng pagbaha sa tuwing sasapit ang tuluy-tuloy na malalakas na buhos ng ulan.

Karamihan umano sa nakatira sa nasabing lugar ay nagmula sa Barangay Almacin na tinatayang aabot sa 400 pamilya.

Aabot umano sa 2,500 yunit ang naturang pabahay na itinayo ng NHA sa nasabing lugar.

Halos mabulok na ang mga pintuan, inaanay na ang mga pader, sira na ang mga bintana, sira na rin ang mga kalye sa pagitan ng mga bahay at halos mapuno nang damo ang mga gilid ng mga bahay.

Malaking pera ng pamahalaan ang masasayang kung hindi ito maipamamahagi sa ating mga mahihirap na kababayan.

Show comments